Si Charlie Doom ay isang manunula at manunulat na nagtatago sa titulong “folk musician” upang pagtakpan ang kanyang mga pagkukulang sa pagtugtog. Nagsimula siyang humabi ng mga salita sa edad na 16 para lamang mapakilig ang kanyang crush, at ngayon ay kilala bilang ang (unverified) na pasimuno ng emo-folk sa Pilipinas. Ang kanyang musika ay impluwensyado ng katapatan ni Daniel Johnston at ng "quirkiness" nina Phoebe Buffay at Adam Sandler, na mapapakinggan sa kanyang demo EP na “Hilaw Na”—isang sadyang hindi tinapos na koleksyon ng mga kanta na inilabas noong Nobyembre 2024 para patunayang kaya niya itong gawin kung gusto niya.